A Travellerspoint blog

KAKAMISS...

bumalik ka na kasi dito...

-17 °C

missing_you.jpg

Hay... this week is the longest week for me....ang bagal nang oras.... kahit nag leave ako at 4 days n lng ang ipapasok... ang haba pa rin!!!! kasi ba nman... ang aking BFF (best friend forever) ay nagbakasyon engrande sa Island of Camiguin at ang aming Cook (as in taga-pagluto... SOSYAL KAMI E!) ay nagpursue nang carreer sa ibang lupalop nang mundo...

Buti na lang at nandito si Tito Sen. In fairness... lagi niya akong pinupuntahan sa station ko to check on me. Hay... pinagbilin siguro ako sa kanya ni Tito Bic. Ayaw lang magsalita ni Tito Sen dahil kanino ba ang loyalty niya? E di syempre don sa kapatid niya... hay naku... dahil sa nawala ang aking Cook wala na tuloy akong taga-timpla nang aking coffee from vendo, taga-init nang ulam thru microwave, taga- handa nang pagkain, taga - ligpit nang aking mga pinagkainan, at syempre taga - luto ng ulam tulad nang ampalaya con carne, porkchop, sinigang sa sampalok na manok, pork giniling with egg at kung anu-ano pa... makahanap na nga nang ibang cook.... hmmm.... sino kaya? i'll just survey the surroundings... but nothing compares to my Cook... sobrang bait... walang reklamo sa Amo...

enough of my Cook... pahinga na muna ako sa kakaisip sa kanya....

sa sobrang walang magawa dito sa aking munting palasyo... movie marathon ako...na-touch ako sa linyang ito

"ako...
ako ang problema!
kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan...

sana kaya ko na lng tiisin ang sakit na nararamdaman ko...
kasi ako ang humiling nito di ba?
ako ang may gusto...
sana kaya ko ring sabihin sa iyo na masaya ako para sa iyo...
para sa inyo...
sana kaya ko...
sana kaya ko...
pero hindi e...
ang sama sama kong tao...
kasi ang totoo umaasa pa rin ako na sabihin mo..
sana ako pa rin...
ako na lng...
ako na lng ulit..."

familiar ba? well... john_lloyd.jpg

kanino ko kaya yon pwede sabihin? hmmm...

Posted by mALdiETA 13:02

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Login