A Travellerspoint blog

Panaginip

na nagpagulo sa isip...(wow magka-rhyme!)

rain

Nanaginip ako...last Thursday eto...bago ako pumasok sa work...hindi ko kilala ang mga tao pero parang pelikula...at nanonood lang ako as in IN BIG WIDE SCREEN!

SETTING: MALL/SA LOOB NG SHALA NA COFFEE SHOP
starbucks.jpg

CHARACTERS: GIRL (bratinela at maldita) and BOY (goodboy at heart throb)
BACKGROUND MUSIC: basta kahit ano basta mejo feel good...mga tipong STARBUCKS soundtrack

GIRL: (entering the coffee shop at natanaw c boy)
BOY: (wave sa girl)
GIRL: (lapit sa boy at sabay upo sa couch)
BOY: (abot nang frappe sa girl)
frappe.jpg

GIRL: Thanks! San ung baby mo?
BOY: Hindi ko na sinama. Galing ako office. Alam mo na?
GIRL: (mejo...ay nde pala mejo... as in super sad...) Ah...akala ko kasi kasama mo... (sabay sip sa frappe dahil sa sobrang kaba nasamid)
BOY: OK ka lng?
GIRL: ahuh... (pasosyal pa...pero obvious na tense na tense) Ano na!?!?!?! (maldita mode! ang bilis magtransform!effect yata nang frappe)
BOY: I just want to say goodbye and thank you personally...
GIRL: sus...wala un!
BOY: I've been wanting to tell you this before pa kaya lng lately lumalayo ka sa akin?
GIRL: hindi kaya...
BOY: Ay...hindi ba? So hallucination ko lng pala un?
GIRL: OO nman...adik ka kasi! joke... (not looking at all sa boy. bakit kaya?may tinatago?)
BOY: Mami-miss kita... (mukha namang all true ang sinasabi nung guy)
GIRL: (haba nang hair! kunwari dedma)(to herself "AKO RIN KAYA MAMIMISS KITA! NGAYON PA NGA LANG MISS NA KITA E!") (to the boy) As if nman... sa bait kong ito sa iyo?!?!?
BOY: No joke... I will miss you more than anybody else...
GIRL: Sabi mo e... (gustong maiyak...pero pigil na pigil...sakit non sa head...natry ko na un!)
BOY: Ikaw lang ung taong nagparamdam sa akin na hindi ako SPECIAL! Gulung-gulo nga ako sa iyo e. Minsan mabait ka sa akin at mas madalas BAD sa akin.
GIRL: Masanay ka na sa artista! (pretending pa rin...)
BOY: Alam mo bang ang bigat sa loob kapag hindi tayo nagbabatian?
GIRL: (to herself) Oo naman... as much as I want to say hi and makipagkwentuhan sa yo pero dedma na lng kasi ayoko nang nararamdaman kong ito (to the boy) sori nman...
BOY: I'll keep in touch...
GIRL: naku...kahit wag na! (nman...naiiyak na ang girl! pero pigil pa rin...ANG TATAG!) cge na... uwi ka na at kailangan ko ng lumayas (bka kapag hindi ko pa pinigilan e MAIYAK pa ako at MASABI KO ANG HINDI KO DAPAT MASABI!)
BOY: Ah ok... pwede pa hug?
GIRL: Huh?!?!?! (my goodness! this cannot be borrowed 1 from 3!)

si Boy ni-hug si Girl... (madramang tagpo na ito!) hindi na napigilan ni girlalu na maiyak sbay punas sa mala Claudine Barretto na luha na parang sinabi ni Direk Joyce na "TEARS YOU FALL AS SOON AS BOY EMBRACES GIRL, OK?!?!?!" SAGOT NAMAN NI TEARS, "OK, DIREK!"

BOY: Why ka umiiyak? Hindi naman ako mamamatay ah... (while punas sa luha ni girl)
GIRL: (nagtransform na nman sa maldita mode) Sana nga ganon na lang eh... joke!
BOY: (nagulat sa pagtatransform pero naka recover ulit....sabay yakap ulit) Yan ang mamimiss ko sau!
GIRL: Sabi mo lang yan... mas mabuti na lang siguro na hindi na lang sana tayo nagkita ngaun... (crayola ang lola mo!)
BOY: hay... (sabay embrace ulit kay girl at ang mga UTAW...napapatingin! akala cguro shooting o eksena sa totoong buhay na MAGBF at MAGGF na NAGBIBREAK ang hindi nila alam...HINDI RIN ALAM NANG 2 KUNG ANO NGA BA SILA? AT BAKIT GANON KADRAMA ANG TAGPO)
goodbye_hug.jpg

background music...
....Over and over again
I try to tell myself that
We could never be more than friends
And all the while inside
I knew it was real
The way you make me feel...

ALARM PALA NANG AKING CELLPHONE ITO AT ORAS NA PARA AKO AY MAGISING AT PAPASOK NA AKO...pero u know what? Parang totoo ang nangyari... naiyak ako sa panaginip ko!

Hay... so sad... :(

Posted by mALdiETA 15:34 Archived in USA Tagged backpacking

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Login