A Travellerspoint blog

GOODBYE (the saddest word)

lalo na kapag nde ka nakapagpaalam nang maayos

-17 °C

goodbye_friend.jpg

I hate goodbyes... sino ba ang hindi di ba? Kaya nga ako...ayokong maging sobrang attached sa isang tao. Kahit paano dapat may distansya.

I have a friend meron syang friend (friend nga bang masasabi?) basta...ganon na rin yon! Itago na lang natin sila sa name na Andrea (ang friend ko) at Carl (ang friend nang friend ko). Magulo rin naman kasi set up nila. Minsan close sila minsan naman parang strangers. Hindi nagpapansinan. Parang tipong nung hindi pa sila talaga nagkakausap at acquainted sa isa't isa.

Pero infairness ang nagmamaldita kasi ay si Andrea at si Carl naman ay naninimbang lang. Kasi nga may moodswings ang lola. Akala siguro nitong friend ko e forever na nandiyan etong Carl. E all of a sudden, nag goodbye pa-fly na kung saan lupalop nang mundo at she was the last one to know. At take note, sa iba pa niya nalaman. When to think e before mag-fly ang friend e magkausap pa sila sa telephone. O san ka pa?!?!?! E di sobrang sad ang aking friend. She wanted to confront Carl pero hindi nya kaya. She was afraid at baka hindi nya mapigilan ang sarili na maiyak. So kahit alam na nya ang lahat quiet lang si Andrea. Umiwas na makasalubong at makita si Carl pero sadyang sinadya yata nang pagkakataon o talagang sinadya nang isa sa kanila na magkasalubong at magkatitigan (na iimagine nyo? parang eksena sa isang pelikula!)

CARL: Hi!
ANDREA: (smiled back...smile na may lungkot sa mga mata)
CARL: In bad mood?
ANDREA: Ewan ko sa yo!
CARL: Hay... (buntong-hininga)
ANDREA: (acting dedma ang lola pero gusto nang sumabog nang tears...tinalikuran ang guy at bumalik sa pinanggalingan)
CARL: topak... (with matching iling at sunod nang tingin sa nag-dadrama)

A few minutes later...tumunog ang cellphone... (ano bang message tone? ah...ung sa kotse na kapag press mo ang rc e magla-lock or mag-unlock? basta un!)

MESSAGE ni Carl: pno b yan? aalis na k.
REPLY ni Andrea: E d ingat!
REPLY ni Carl: Usap tyo kpg ndi k n busy.
Andrea: Uuwi na ako! (pero sobra nang sad while reading the message)
Carl: drma...
Andrea: (nagmaldita mode na naman para lang pagtakpan ang nararamdaman) Hello! E s tlgng uuwi n aq no! Alangan nmn hintayin kta! Importanteng tao?!?!
Carl: Ah ok. so c u wen I c u?
Andrea: Ganon na nga. (with tears na ito)
Carl: Thanks for everything.
Andrea: Thanks k jan! Ang dami mong utang sa akin no! (wala nang tigil ang tulo nang luha nang lola mo)

goodbye_tear.jpg

Carl: Cge treat kta kapag nagkita tau ulit.
fishballs.jpg

Andrea: Wag na! Ganon nmn tlg e! Bye na! (kahit ayaw nyang mag-goodbye)
Carl: Ok! Ingat ka lagi! (if only we knew how Carl felt at that moment and only he knew it).

Ang lola mo gustung-gusto sanang makausap ang lolo pero she decided not to. Ayaw mag take nang chance to say goodbye nang maayos kasi naman TAKOT! TAKOT NA MALAMAN ANG TUNAY NA NARARAMDAMAN! MERON BA KASI?!?!?! UMAMIN NA KASI?!?!?! PATI BA NAMAN SA AKIN MAGTAGO?!?!?! E PARANG AKO NA RIN IKAW!!!! WE ARE 1! AS IN 1!

Posted by mALdiETA 09:55 Archived in USA Tagged backpacking

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

ai naku..umandar na naman ang pagpapanggap..kantahan na lang kita ng "i'll be over you"..some people leave their chorchor..some people..churvaek..

by la-agan

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Login